Bakit Hindi Ka Parin Pumapayat?




This post is written in Filipino. Should you want to get hold of the English version, please send me an email via the contact page. Thank you!

 

Natanong mo na din ba sa sarili mo yan?

 

Yung tipong halos di ka na kumakain or puro gulay na nga kinakain mo pero…

 

Mukhang medyo clingy ang tiyan, kulubot sa hita, at yung hidden Jelly Ace sa braso?

 

Wag ka mag-alala. Natanong ko na din yan sa sarili ko dati. I gotchu, bes. I understand.

 

At oo nga naman, nakaka-buwisit dahil ang hirap mag-diet at mag-exercise tapos ni isang kuwit, ayaw gumalaw ng timbangan.

 

Paano ba pumapayat ang isang tao?

 

Siguro, pagod ka na sa explanation ko na ‘to. Pero wala tayong magagawa kasi eto lang talaga yung sagot.

 

Merong requirements ang katawan natin sa araw araw, mula sa pag-gising sa umaga hanggang sa pagtulog mo sa gabi. Ang requirements na ito ay tinatawag na calories.

 

Yung calories, yan yung energy na ginagamit ng katawan mo para magawa mo lahat ng ginagawa mo sa isang araw.

 

Huminga, pag-login sa social media at yung pag-galaw ng mata mo habang binabasa mo ang mga susunod na salita.

 

Ganito lang yun para mas madali intidihin.

 

Naalala mo ba nung huli kang nag-shopping? Kailangan mo bumili ng tshirt or blouse, pantalon saka sapatos. Ang dala mo na pera ay isang 2 piraso na 500-peso bills.

 

s-l300.jpg

 

Nagpunta ka sa isang shop at na-realize mo, kulang yung pera mo para mabili mo lahat kung doon ka lang titingin. Siyempre, kakain ka pa. Magmi-milk tea ka pa. Kapos, bes.

 

So dalawa lang ang option mo. Kung ikaw yung tipong allergic sa hindi branded, uuwi ka nalang at hihingi kay Mother Earth ng extra or hihintayin mo na lumabas kayo ng family mo para magturo. Munting advice? Magbago ka na, bes. Hindi ka na baby, pwede ba?

 

download (6).jpeg

 

At ang next option kung ikaw ay isang praktikal na tao, pupunta ka nalang sa department store. May pang-milk tea ka na, may sukli ka pa para makapag-Uber. Shala!

 

Ganon din ang katawan natin. Kapag “ginipit” mo, mapipilitan humanap ng ibang paraan yung katawan mo para matustusan yung kailangan mo to function.

 

Kapag gipit, mapipilitan ang katawan mo na gamitin ang excess fats ng katawan mo para maging energy. Ito ang dahilan kung bakit pumapayat ang isang tao.

 




Pero, halos hindi na nga ako kumain. Hindi pa din ako pumapayat. Jirits!

 

Naiintindihan kita dahil normal na mangyari yan. Maraming posibleng rason, both positive at negative.

 

Una, baka kasi kakasimula mo palang magbawas ng pagkain kahapon. Bessy, diba sinabi ko na dati. Taon ang puhunan mo sa bilbil mo, alangan naman overnight mawawala agad? Siyempre talo-talo dapat. You can’t have it all.

 

f115fa787adbfc07df15f979d7a06601

 

Pangalawa, hindi balanced yung healthy living keme mo. Napakarami kong nakikitang posts sa social media na ganyan ang caption. At iisa lang ang itsura nila. Looks familiar?

 

 

Yan tayo eh. Porque may label na “healthy”, “fat-free”, “organic”, eh pinapatos agad natin. Sa totoo lang, walang unhealthy food. Ang meron lang ay balanced diet at unbalanced diet. Mamaya ie-explain ko yan.

 

Pangatlo, hanggang social media post ka lang pero sa totoo, may crispy pata sa lamesa na pinagpapantasyahan mo na. Diyan tayo magaling eh, sa pagkukunwari.

 

Hindi tayo marunong magpakatotoo sa sarili natin. Kung hindi mo nae-enjoy ang gulay, edi wag mo kainin. Kainin mo yung gusto mo in a balanced way. Turo ko sa’yo mamaya.

 

At pang-apat, quits na kayo ng katawan mo. Ito ay para sa mga tao na forever naka-diet, kulang nalang may dahon na kayo sa ulo. Matalino ang katawan natin.

 

After some time, sanay na yung katawan mo sa mga kinakain mo. Alam na niyang diskartehan para hindi na siya gipit habang etong si ikaw, ramdam na ramdam mo ang pagkagipit sa pagkain.

 

Ang totoo niyan, wala nalang sa katawan mo yan. Naka-move on na siya sa pasakit na binigay mo.

 

So ano na, paano ba ako papayat?

 

Eto panimula ko dito. Hindi pare-pareho ang pinagdadaanan ng bawat isa sa pagpapapayat. Yung iba mas mabilis pumayat, yung iba matagal talaga. Ganon talaga. You can’t have it all nga, diba? Pero lahat yan, halos iisa lang yung paraan para masimulan.

 

Eventually, malalaman mo din kung ano yung gagana para sa’yo. Kaya pasensiya na sa mga nagtatanong sa akin dahil wala akong maibigay na diretsong sagot.

 

Kasi ang totoo, maraming pwedeng sagot. So eto ay isang munting listahan, try mo lang bes. Wala naman mawawala sa’yo.

 

1. Alamin mo muna ang calorie requirements mo.

 

Tinuro ko na yan at hindi ko na uulitin. Nag-live narin ako tungkol jan. At kahit anong “diet” pa gawin mo, kailangan niyan. Keto, Low carb at kung ano-anong diet na nabubuhay pa sa mundo.

 

Para sa mahabang educational version, simulan mo dito sa Part 1

Para sa mga tamad, multiply mo yung bodyweight mo by 14. Jan ka magsimula.

At para sa sobrang tamad talaga, eto yung tamad pero effective na program na gamit ko.

 

Halimbawa, 120lbs ka ngayon. So, 120lbs x 14 = 1,680 calories.

 

Every 2 weeks, bawasan mo ng 100 calories.

 

2. Gumamit ka ng tracker.

 

Search ka lang sa Google Play or App Store, maraming calorie trackers. Ang gamit ko ay My Fitness Pal.

 

Ginagamit ang calorie tracker para alam mo yung calorie value ng kinakain mo.

 

Siyempre, mabusisi talaga yan. Hindi ko naman sinabi na magiging madali lahat ng ito. Pero ito yung pinaka-accurate way para maging accountable ka sa mga nilalagay mo sa bibig mo.

 

Alam mo ba na ang isang order ng Chowking Pork Chao Fan ay nasa 680 calories? Kung based sa 1,680 calories example natin, lagas agad yung 680 mo at 1,000 nalang. Partida, breakfast mo palang yan.

 

Kita mo na yung purpose? Makakatulong ang calorie tracker para alam mo kung paano i-bugdet yung calories mo for the day. Maiiwasan mo mag-overeat. At makakatipid ka pa kasi hindi ka na bibili ng Chao Fan. Boom panis!

 

3. Nakakatamad gumalaw pag gutom, pero gumalaw ka parin.

 

Kapag konti ang kain, low energy tayo. Ganun talaga ang life. Eto yung moments na makikipagtitigan ka sa chichirya, na tipong hinahanapan mo ng magandang rason para kainin siya. Ayaw mo din mag-exercise. Gusto mo lang humilata at matulog.

 

GALAW, bes. Galaw galaw. Dahil part ng calories mo eh activity level. Kung sa 1,680 calories eh may included 300 calories para sa daily activities mo, ibig sabihin kailangan mo panindigan yung activity na yun.

 

Kasi kung hihilata ka lang, ibig sabihin ang pwede mo lang kainin sa araw ng katamaran eh 1,380 calories nalang. Minus 300 calories dahil ayaw mong gumalaw.

 

Kaya gumalaw ka kung gusto mo kumain. Ganon kasimple. 1 cup of rice din yung 300 calories na yon. Sayang.

 

video-smagais-smagais-pirmdienas.jpg

 



4. Humanap ng activity na mae-enjoy mo.

 

Eto ah. Hindi required mag-gym kung hindi mo bet ang gym. Ang masasabi ko lang jan eh mas maganda since resistance training yan. Pampalakas yan. Pero kung ayaw mo, gora edi wag.

 

Baka bet mo ang hiking. Or walking. Or jogging. Pwede din dancing or maglinis ng bahay. Kahit ano. Just choose the activity you enjoy.

 

Bakit?

 

Kasi kung di mo nae-enjoy, hindi mo paninidigan. Humanap ka ng paninindigan mo.

 

 

5. Hindi demonyo ang kanin.

 

Bakit nga ba naging demonyo ang kanin?

 

896cf690-e353-46f1-a23b-9ef122b9028a

 

Halos lahat kasi ng mga pagkain na nae-enjoy natin ay may carbs. Kapag kinain natin ito, tumataas ang tinatawag na leptin levels natin. Ang leptin ay isang hormone.

 

Para mas simple, eto yung hormone na nakakapag-pafeel sa atin na satisfied tayo.

 

Unfortunately, hindi yan nabibili sa botika para ibigay sa jowa mong manloloko. Sorry.

 

Kidding aside, kaya madalas nag-o-overeat tayo sa carbs. Pero hindi siya demonyo. Kulang lang tayo sa self-control.

 

Yun lang yun. Wala lang kasi tayong control sa sandok so learn to control, yo!

 

 

6. Hindi diet food ang wheat bread at pasta.

 

No rice diet ako kaya either bread or pasta lang kinakain ko.

 

Hello? Rice, bread at pasta ay iisang food group lang. Sabi ng Science teacher mo nung elementary, Go food sila. Sila ay carbs. Period.

 

Ang 2 piraso ng white bread ay equivalent sa 1 cup ng kanin. Edi sa kanin ka nalang. No rice diet, my face. Sus.

 

 

7. Alamin muna kung ano ang ibig sabihin ng IF or Intermittent Fasting.

 

Repeat after me: Hindi isang uri ng diet ang IF.

 

Ang intermittent fasting, mapa-16/8 pa yan o ano, ay hindi isang uri ng diet. Eating pattern ang tawag jan. Fasting ka for a certain number of hours tapos feasting or kakakain ka for a certain number of hours din.

 

Pinaka-common is yung 16/8 IF na fasting ka for 16 hours tapos kain for 8 hours.

 

Ginagamit yan usually pagka mababa yung calorie requirements mo.

 

Kasi kunwari meron kang requirement na 1,400 calories, kapag umaga palang eh kinain mo na yung kalahati, paano ka na sa gabi? Tubig tubig nalang, ganern? Saklap bes. Rinig ko na yung kulo ng tiyan mo hanggang dito.

 

images (2).jpeg

 

Ginagamit ang intermittent fasting hindi para unli-kain after 16 hours or kung ano man. Ginagamit yan para ma-manage mo yung required calories mo for the day.

 

Malinaw? Pefect!

 

 



8. Disiplina, disiplina, disiplina.

 

Eto ang wala tayong lahat. Kaya nga tayo namo-mroblema magpapayat ngayon, diba?

 

Marami kasi tayong excuses. Kesyo may birthday, may bagong dating galing sa ibang bansa, may fiesta, may binyag, birthday ng aso, birthday ng kapitbahay, blow out sa ganito, inuman sa ganyan.

 

maxresdefault (7).jpg
Ui, spot yourself.

 

Di naman talaga mawawala yung mag ganyang events, sus, sa Pinas pa ba? Di naman ibig sabihin na bawa ka mag-enjoy. Kumain ka kung gusto mo pero siyempre control at disiplina.

 

Kung alam mo na may goal ka, siyempre ikaw ang mag-adjust sa mga ganap.

 

Kung nag-overeat ka ngayon, edi medyo bawasan ang kain kinabukasan. Bessy, hindi mauubos ang pagkain sa mundo. Bakit ka nagmamadali ubusin lahat?!

 

 

9. Kumain ng gulay, saktuhan lang sa prutas.

 

Eto medyo tricky ang advice na ito kasi maraming nutritionists ang magagalit.

 

Alangan ako sa prutas ngayon, personally. Hindi dahil ayaw ko sakanila pero dahil sa tinatawag na fructose. Ang fructose ay isang form of sugar, isa siyang form ng carbohydrate.

 

At di tulad ng ibang types ng sugar, medyo ma-proseso kasi ang pag-break down ng fructose. Kaya sa ngayon, iwas muna ako. Depende parin naman yan sa’yo. Malakas naman ako sa gulay so medyo quits lang din kami.

 

Dangers-of-Sugar-And-Fructose.png

 

Pero ayon nga, sabi ni lola, pampahaba ng buhay ang gulay at prutas. Kaya kumain ka. Merong micronutrients ang gulay at prutas na kailangan ng katawan para sa mga internal processes. Yun lang. Kainin mo sila.

 

 

10. Kung hindi kumakain ng gulay at prutas, mag-vitamins.

 

Siyempre, meron tayong mga tropa na ayaw sa gulay at prutas. Ganon talaga, wala tayong magagawa.

 

Kung isa ka sa mga ito, uminom ka ng multivitamins. Hindi Vitamin C. “Multi” vitamins meaning “many vitamins”. Maraming multivitamins sa botika. Mamili ka nalang. Huwag mahiya magtanong….. Lam mo na yun.

 

lITSY1.gif

 

11. Kung gumagana, ituloy mo lang.

 

Balik tayo sa mga maiksi ang pasensiya. Kung gumagana pa, bakit naghahanap ka na naman ng panibagong paraan? Kung hindi sira, hindi mo kailangan palitan diba?

 

Habang umuusad ka sa current plan mo, go lang ng go. Lahat tayo darating din sa finish line.

 

Screen-Shot-2018-08-06-at-4.00.05-PM

 

12. Hindi tamang sukatan ang timbangan.

 

Ang mahiwagang timbangan. Konting angat, iiyak ka na. Konting baba, mauurat ka.

 

Pero sabihin ko lang sa’yo na hindi reliable ang timbangan na yan kasi ang timbang natin, affected by many factors.

 

Oras, jebs (oo, totoo.), wiwi, sodium etc. Maraming factors. Yung timbang mo ngayon, iba na ulit after 1 hour. Kaya hindi lang dapat yan ang basehan mo.

 

Dapat nagsususkat ka din gamit ng tape measure. Waist, shoulders, hita etc. Dapat tumitingin ka din sa salamin. Kasi minsan ang bigat mo sa timbangan, pero lumiit na pala waistline mo o di kaya eh ang macho mo na tignan sa salamin.

 

cb4590926888e12455e5fba397ba18bb

 



13. Mag-selfie.

 

Kaya wag ka mag-taka na marami akong post na ganito. Kasi dito makikita mo yung pagbabago talaga. Mag-picture ka weekly. Tapos compare mo sila after some time.

 

Photogrid yung ginagamit ko na app para pagtabihin yung mga pictures.

 

14. Mag-post sa social media.

 

Eto tricky dahil maraming epalogs. Pero ginagawa ko. Bakit? Kasi dito accountable ka para sa mga satsat mo. Pag ang caption mo eh papayat ka, siyempre makikita yun ng friends mo.

 

Mae-encourage ka panindigan kasi darating yung panahon na merong at least 1 tropa na magtatanong sa’yo kung kamusta na ang pagpapapayat mo. Siyempre dapat may maganda kang sagot. Siyempre, hiya hiya nalang ‘to diba?

 

Isa na rin dito eh pag positive yung social media mo kasi nakaka-motivate.

 

Sa totoo lang, mas namo-motivate ako dun sa mga tao na nagme-message sa akin kasi namo-motivate ko daw sila. Masarap sa pakiramdam saka dagdag gigil para sa goals ko. Win-win tayo jan, bes. Salamat!

 

 

15. Ipaalam sa mga kapamilya at kaibigan na gusto mo talaga magpapayat.

 

Walang tatalo sa isang very supportive network. Siyempre sa simula, bibiruin ka ng mga yan na drawing ka.

 

Ganun talaga, kasi iilan lang naman talaga ang tumatagal sa mga fat loss journey. Pero kapag ginamit mo yung mga nega comments nila as motivation, unti-unti magbabago yan sila.

 

Maga-adjust na sila sa’yo. Aware na sila sa limitations mo. Pwede mo na sila makausap pag nawawalan ka na ng pag-asa.

 

Siyempre si Mama magluluto parin ng masarap pero tignan mo, ire-remind ka niyan minsan na naka-diet ka kaya dapat hinay lang.

 

image.jpg

 

 

16. Seryosohin mo.

 

Isa pa ‘to. Napaka-dali sa mga tao na sabihin na gusto nila pumayat. Pero ayaw naman nila making. Ayaw nila ng advice na ibibigay mo kasi mas okay daw yung ginagawa nila. Eh bakit ka pa nanghingi ng advice diba?

 

Seryoso ako sa mga ganitong bagay. Kapag lumapit ka sakin, tutulungan talaga kita sa abot ng makakaya ko. Pero dapat seryoso ka din. Hindi ako nakikipaglaro.

 

 

17. Kailangan gustong-gusto mo.

 

Kung gusto mo lang, mga 1-2 months lang aayaw ka na. Pag trip mo lang, isang lingo lang agas na. Pero kung gustong-gusto mo, kahit gaano pa yan katagal at kahirap, magagawa mo.

 

Eto yung dahilan kung bakit tumagal ako ng ganito sa sarili ko na fat loss journey. Kasi gustong gusto ko at pagod na ako maging mataba at mapunitan ng pantalon.

 

 

18. Intindihin mo na may bad days talaga pero wag mo gawing excuse.

 

Hindi lahat ng araw masaya. May mga araw na parang feeling mo eh ang taba mo pa din kahit na alam mo eh 10lbs na ang nawala sa’yo.

 

May mga araw na kahit anong buhatin mo eh ang bigat.

 

Ganun talaga. Push lang. Wala na akong ibang mabibigay na advice kundi ituloy mo lang. Bawi sa susunod na araw. Hindi yung mag-give up ka na agad.

 

next-time-youre-having-a-bad-day-think-of-this-5445207.png

 

 



19. Enjoy mo lang.

 

At ang huli, enjoy. Madalas nalilimutan natin na nagpapapayat tayo para sa sarili natin. Para masaya tayo sa katawan natin.

 

Pero sa sobrang pressure na binibigay din natin sa ating sarili, hindi na tayo nasisiyahan sa mga ginagawa natin.

 

Kaya bes, this is just one of many journeys that you decided to take. Mapa-bad day or good day man, meron at meron kang mapupulot na lesson sa araw nay un.

 

Just enjoy it and don’t stress about it too much. Wala naman timer, wala naman deadline.  Walang grades dito, walang “bring mother” kung failed ka. Tuloy mo lang, sasamahan naman kita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *